Abante Tonite Interactive

Maureen mala-flat screen ang boobs

615

Kung ganda ng mukha ang pag-uusapan, pangabog ang fez ng Asia’s Next Top Model winner na si Maureen Wroblewitz.

Gayunpaman, hindi siya nakaligtas sa pamba-bash ng mapanuring mata ng isang netizen.

Napansin kasi ni kate-katerang netizen na flat ang kanyang boobs.
Buong ningning namang rumesbak ang “Eat Bulaga” co-host at grasyosang sinagot ang lumalait sa kanya.

“You can’t have everything in life,” patunay na proud siya sa kanyang dibdib kahit hindi ito “Masagana 99.”

Dahil sa kanyang pagiging cool at composed sa pagha-handle ng kanyang mga basher, umani siya ng papuri sa kanyang mga follower. (Archie Liao)