Abante Tonite Interactive

Maureen mukhang buntis kay JK

0 1,423

NI: NONIE V. NICASIO

Napagkamalan ng netizen na buntis si Maureen Wroblewitz, nang makita ang kanyang post sa Instagram.

Sa naturang IG post ni Maureen sa isang magandang beach resort, kasama niya ang boyfriend na si JK Labajo at may nagtanong na isang netizen nang, “Are u pregnant?”

Sagot naman ni Maureen, “It’s the skirt,” na may kasama pang laughing emoji.

Maraming barako ang manghihinayang sakaling magbuntis nga international model na si Maureen, dahil isa siya sa madalas pagpiyestahan ang kaseksihan sa social media.

Si Maureen ay Filipino-German at Asia’s Next Top Model 5th season winner na naging Dabarkads din sa ‘Eat Bulaga’.

Winner ang ganda at hotness ng dalaga. Ang tipo ni Maureen ang madalas laman ng wild imagination ng mga lahi ni Adan.

Walang dudang siya ang rason kung bakit sumisikip ang suot na underwear ng mga barako ‘pag nakikita ang kaseksihan niya.

Tonite – Wendys Inhouse Ad