Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maureen nag-sorry sa kasinungalingan

0 43

100 magagandang dilag ang pasok sa 2021 Universe Philippines pero ang dalawang kandidata dito, best in social media impact agad, sina Kirsten Danielle Delavin, na mas kilala natin bilang si Kisses Delavin at si Maureen Christa Wroblewitz.

Ilang oras namayagpag sa Twitter ang #KissesEyeingTheUniverse at pangmalakasang reaksyon rin sa nasabing social media ang all caps na KISSES MISS U NA.

Bukas na aklat naman na ang dating Kapamilya turned Kapuso starlet eh may beauty queen aspiration. Ang diva that you love naiusulat na dati sa ating pitak ang beauty queen pangarap kong jackpot ni Delavin. Kung sa showbiz eh kahit pa nga all mine to give at todo effort na siya to be loved by all, ngayong itotodo na niya ang karisma, nerve at wit niya sa timpalak pagandahan. Malay mo, malay ko, malay nating lahat, yakapin at mahalin na talaga siya.

Si Wroblewitz naman, ang first name niya ang namayagpag sa Twitter at of course, kung sa pagandahan, alam na nating pang-international ang beauty nito lalo na nga’t she already made our country proud dati by being the 5th season winner of Asia’s Top Model. Ibang arena ang beauty pageantry but with her international runway, fashion campaign and editorial experiences, tiyak beauty force at threat talagang maituturing si Maureen, hindi ba naman?

Samantala, humingi ng paumanhin si Maureen sa pagdi-deny niya noon na hindi siya sasali sa MUP.

Mababasa sa kanyang IG account, “Surprise! I apologize for the white lies. As difficult as it was, I had to keep this a secret .

F”irst and foremost, I would like to thank you for the overwhelming support. Please know that I very much appreciate all the love and your kind words. This is the new chapter I’ve talked about in a recent post and I humbly ask for your continued support. It’s true what I’ve said in my interviews. I’ve always considered dipping my toes in pageantry and committing to it when I felt ready. It was not until I received my sign from the Universe, that I knew I couldn’t wait for that feeling of readiness and that I’d have to take that first step in order to feel ready. I’ve shared the importance of getting out of your comfort zone as a means to grow as a person and that’s what I’m doing once again. This feels new and to be honest, I’m terrified but I’ve come to realize that I just fear the unknown (thank you @gerryd16 )What I fear most though is living a life of regrets. I don’t want to grow old thinking that I should’ve joined, alternatively I would like to say ‘I’m glad I’ve joined’. I’ve learned to stop saying ‘one day’ and instead I say ‘day 1’. I hope through this I inspire you to reach for the Universe. It’s all up to you. You can achieve anything you put your mind to and sometimes if you believe hard enough the Universe will conspire in helping you succeed .”

Pak!

Vice may pasaring sa adobo

SM SuperKidsDay Banner Ad

Masigabong palakpakan na may kasamang pangmalakasang pagtili ang naging reaksyon sa hanash ni Queen Bayot Vice Ganda sa “It’s Showtime.”

Sa isang segment sa palatuntunan, napagchikahan nila ang tungkol sa mungkahi mula sa isang sangay ng gobyerno tungkol sa pag-standardize sa pagluluto ng adobo.

Hanash ni Jose Marie: “Buong Pilipinas naman naguluhan sa konsepto na iyan. Bakit mo ii-standardize ang pagluluto ng adobo eh kanya-kanyang panlasa iyan. Di ba, itong gobyerno ding ito.”

Hindi napigilan ng isang co-host na mabigla sa huling mga salitang naibulalas ni Ganda at naidagdag pa tuloy nito: “Yun nga, adobo lang, Ayusin niyo kaya ‘yung standard ng pamamalakad niyo kesa yung adobo ang inaatupag niyo.”

Sa hanash na ito ni Vice Ganda, napa-ouch at sobrang harsh kaya ang dating nito para sa the best and the brightest?

Isko bet ang musical play

Mula sa impeachable source ng diva that you love, nakapag-last shooting day na ang “Yorme”, ang musical biopic movie niya .Pinapanood na ang idinireheng pelikulang idinirehe ni Joven Tan sa alkalde ng Maynila. Impressed si Mayor Domagoso sa movie.

Natandaan agad nito ang mga kanta at nasasabayan agad ito. At mangha-mangha ito sa kahusayan ng Saranggola Media Productions na manaliksik dahil ang naging importanteng tao sa buhay niya, tulad ng mga guro, kapitbahay, kaibigan at iba pa ay may special participation.

Sa sobrang saya nga ni Yorme Isko, gusto niyang sumulat si direk Joven Tan ng isang musical play version ng pelikula at ipapalabas ito sa Metropolitan Theater.Libreng mapapanood ng mga mag-aaral at kabataan sa Maynila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.