Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maureen pasok sa top 30 ng Miss U PH

0 75

NI: VINIA VIVAR

Tulad ng inaasahan, pumasok nga sa top 30 candidates ng Miss Universe-Philippines si Maureen Wroblewitz matapos ang online voting na naganap noong August 22-31. Inanunsyo ng organisayon ang masuwerteng mga napakasok na kandidata last Sept. 1.

Kaya naman masayang-masaya si Maureen at nagpasalamat na sa kanyang IG page.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“TOP 30!!!! 😭✨ thank you so much to everyone who voted! I wouldn’t be where I am right now if it wasn’t for you ❤️congratulations to all the beautiful ladies who made it to the Top 30! See you soon” ang post ni Maureen.

Si Maureen at iba pang 29 na kandidata ang maglalaban-laban sa titulong Miss Universe Philippines 2021 at siyang papasahan ng korona ni Rabiya Mateo. Gaganapin ang koronasyon ng naturang beauty pageant sa Sept. 25.

Ngayon pa lang ay sinasabing napakalaki ng laban ni Maureen para maging title holder.

Leave A Reply

Your email address will not be published.