Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maureen pinagdudahang buntis

0 125

NI:ARCHIE LIAO

Iniintriga ngayon ang model na si Maureen Wroblewitz dahil sa peklat sa kanyang tiyan.

Depensa ni Maureen, napaso raw siya ng clothing steamer kaya nagkaroon siya ng scar.

Gayunpaman, hindi siya tinantanan ng ilang bitchy netizens.

Binibigyan pa ng isyu ng mga kate-katera kung bakit may kamot ito sa tiyan. Pinagdudahan din itong buntis.

Pagtatanggol naman ng ilan, hindi raw naman napabalitang buntis ang dating Asia’s Next Top Model winner.

Kung sakaling nabuntis daw naman ito, for sure raw, hindi naman ito itatago ng magdyowa, lalo pa’t sobrang inlababu ang dalawa sa isa’t-isa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.