Abante Tonite Interactive

Maureen pinagtripan si JK sa quarantine

0 851

NI: Rona Ronda

Pinagtripan ng modelong si Maureen Wroblewitz ang kanyang boyfriend na si Juan Karlos habang ito ay natutulog. Sinamantala ng Asia’s Next Top Model Season 5 grandwinner ang pagkakataon para ma-makeup-an ang dyowa.

Ibinahagi niya ang video sa viral short-form video app na TikTok. Sa nasabing video ay mahihimbing ang tulog ng singer habang sinisimulan na siyang ayusan ni Maureen.

“When your boyfriend falls asleep early and you have nothing else to do, just do this virus-proof make-up look,” saad ng caption.

Matapos maisagawa ang look, ginising ni Maureen si JK .Bakas ang gulat sa mukha ng Buwan singer.

Samantala, matagal nang magkarelasyon ang dalawa pero kinumpirma ito ni Maureen sa panibagong TikTok video.Sumabak sila sa #CoupleEditionChallenge.