Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maureen tutok sa mga biktima ng AIDS

0 127

NI: ROLDAN CASTRO

Very memorable para kay Maureen Montagne ang katatapos lang na BB. Pilipinas last July 11, 2021.Hindi lang dahil sa kinoronahan siya bilang BB. Pilipinas-Globe kungdi dahil sa mahigit na isang taon nilang paghihintay para matuloy ang pageant.

“I’m thankful that Binibini was able to push through, get us vaccinated and allow us to compete,” ani Maureen sa kanyang first virtual interview matapos manalo.

“It was year and half of wishing, hoping, waiting, so what a wonderful feeling to finally have a crown and to be able to celebrate,” pahayag pa ng 28- year-old Filipino-American born and raised in Chandler, Arizona.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matatandaang originally scheduled ang 57th edition ng BB. Pilipinas noong 2020 pero na-postpone ito because of the pandemic and finally ay natuloy na nga last July 11.

And advocacy ni Maureen ay HIV and AIDS awareness kaya naman ipagpapatuloy daw niya ito at makikipagtulungan sa iba’t ibang organizations na sumusuporta sa HiV and AIDS victims.

Before joining BB. Pilipinas ay naging kontrobersyal si Maureen nang manalo siyang first runner-up sa Miss Eco International 2019. Na-dethrone ang winner na si Suheyn Cipriani ng Peru due to pregnancy at si Maureen ang next in line para sa korona pero tinanggihan niya ito dahil sa kanyang commitments to BB. Pilipinas.

At least, hindi nagkamali si Maureen sa pinili niya. May sarili siyang titulo sa BB Pilipinas at lalaban din siya sa Miss Globe.

Leave A Reply

Your email address will not be published.