Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mavy, Andres pinagsasabong

0 793

NI: ARCHIE LIAO

Model na rin ng isang kilalang clothing apparel brand si Andres, ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Siya ang bagong crush daw sa Bench squad.

Kahit nasabi na noon ni Aga na walang balak pumasok sa pag-aartista ang anak, maraming industry observers ang nagsasabing posibleng sundan ng binata ang yapak ng kanyang mga magulang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

19 years old na ang guwapong si Andres. Puwede raw siyang i-build up bilang matinee idol kung saan unang nakilala ang kanyang ama.

Sey naman ng kibitzers, isa pang showbiz royalty ang puwedeng isabong kay Andres: si Mavy Legaspi na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Sa mga hindi pamilyar sa dalawa, madalas kasi noong mapagkamalang anak ni Aga si Mavy dahil sa pagkakahawig ng mga ito.

Halos kasing-edad rin kasi ni Andres si Mavy .

Hirit pa ng madlang pipol, hindi raw kaya kontratahan naman ng TV5 ang magkapatid na Andres at Atasha bilang pantapat kina Mavy at Cassy?

Leave A Reply

Your email address will not be published.