Abante Tonite Interactive

Mawawala ang friendship sa baby girl ni Solenn

0 463

Hindi napangatawanan ni Solenn Heussaff ang naunang pahayag na hindi raw nila aalamin ang gender ng kanilang magiging first baby ni Nico Bolzico dahil gusto raw nilang ma-surprise sa araw ng kanyang panganganak.

Sey ni Solenn sa kanyang interview last month, hindi raw sila magkakaroon ng gender reveal at wala raw baby shower. That time ay alam na ng kanyang OB-Gynecologist ang gender ng baby nila pero nakiusap daw sila na huwag sabihin sa kanila.

Pero kahapon ay nag-post na si Nico sa kanyang Instagram account na ina-announce na ang gender ng kanilang baby and it’s a girl!

Sa larawan nga ay makikitang tuwang-tuwa si Solenn habang ang mister naman ay nakahawak sa ulo which means, mai-stress siya at sasakit ang ulo sa anak paglaki marahil.

Kaaliw nga ang caption ni Nico dahil nagpauna na siya ngayon pa lang sa mga manliligaw sa kanyang anak paglaki. May mga challenges daw na dapat i-meet ang guy at inisa-isa niya ito.

“We are having a baby girl! We were not supposed to reveal the gender until she is born, but since she is a girl, I decided to raise this topic now because there are some warnings that must be spoken to the world.

“First, in my head, nobody is good enough for my girl, I might be wrong, but nobody will make me change my mind. For all my friends with baby boys aged from -2 (not born yet) to 5, no matter how close we are, you must know that our friendship will expire in 14 years.

“Of course I am a modern dad, and I understand that some boys will want to court my girl in the future, so I already put in place a very simple and super fair system that every suitor will have to go through to have a chance to court my baby girl (I will call her baby girl even if she is 20 and she gets embarrassed in front of her friends),” ang caption ni Nico.

Kasunod nito ay in-enumerate na niya ang mga stages na dapat pagdaanan ng guy na kung anik-anik lang namang kalokohan.

Sa huli, aniya, “#Wifezilla thinks I am crazy and doesnt want to be part of this! I guess she is not a modern parent as me.”

Hahaha! Obviously, sobrang excited na ni Nico kaya siya marahil nagkakaganyan.

Samantala, malapit nang magtapos ang seryeng Love You Two ni Solenn kasama sina Jennylyn Mercado and Gabby Concepcion. Kaya timing na timing na puwede na siyang magbakasyon hanggang sa makapanganak siya. Yan ay kung wala na siyang natanggap na iba pang proyekto.

Solenn is five months pregnant now at nakatakda siyang manganak sa Enero, next year.

Ken dinaan sa kanta ang kaba kay Daniela

Kinilig ang mga fan nina Rita Daniela at Ken Chan (RitKen) sa post ng aktor sa Instagram na tila sa kanta idinadaan ang nararamdaman sa kapareha.

Nag-post ng larawan nila ni Rita si Ken na napaka-sweet ng posing at sa caption ay naglagay ng ilang linya mula sa kantang “Kaba” ni Tootsie Guevarra.

Tanong tuloy ng mga netizens kung totohanan na raw ba ito at sana raw ay totohanin na’t huwag nang idaan pa sa kanta.

Bukod sa totohanang relasyon, ang isa pang inaabangan ngayon ng RitKen fans ay ang upcoming teleserye ng dalawa sa GMA-7 na One of the Baes na eere na ngayong Setyembre.

Gagampanan ni Ken sa serye ang role na enviromental vlogger na si Grant habang si Rita naman ay si Jowa na isang maritime student.