Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Max hanep ang workout

0 42

NI: VINIA VIVAR

“Hot mama” na maituturing si Max Collins dahil 7 months after giving birth, seksing-seksi na siya ulit ngayon. Mas lalong gumanda at mas nag-bloom pa.

Matatandaang July last year nang ipanganak ni Max ang first baby nilang si Pancho Magno kaya nakaka-amaze na ang bilis niyang naibalik ang kanyang sexy figure at para ngang hindi nanganak.

Ibinandera ni Max ang kanyang kaseksihan at pagiging “hot mama” sa mga recent Instagram post niya habang nagbabakasyon sa Palawan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa isang larawan ay makikitang naka-two-piece green bikini siya at may hawak na wine. Caption niya, “in paradise @angkla_elnido.” Pinusuan ng mga netizen at kapwa-celebrities ang kanyang bikini photo.

In fairness kay Max ay pinaghirapan niya rin naman ang kanyang figure ngayon. Two weeks pa lang matapos makapanganak ay nagwo-workout na siya .Kahit nu’ng pregnant siya ay inalagaan na rin niya ang kanyang katawan para hindi siya masyadong tumaba.

Sa ngayon ay nagpapa-breastfeed din siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.