Abante Tonite Interactive

Max nagsuplada sa EDDYS Awards

508

In fair Verona, bongga ang katatapos lang na EDDYS Awards.

Ang diva that you love, ang favorite pasabog, ang “Sa Kabukiran” number ni Lara Maigue. Ang sopranong si Maigue, pinadinig at pinakita sa lahat ang kanyang vocal calisthe-nics.

Wagi rin si Rita Da-niela na maalindog at maharot habang inaawit ang “Kiss Me”. Kilala na nga siguro si Rita dahil paglabas niya, may mga humiyaw.

Panalo rin ang pagsa-yaw ni Rayver Cruz at isang the WHO na taga-Hashtag pala, aliw ang kanilang “Growing Up” dance number na anthem mula sa pelikulang “Bagets”.

Panalo rin ang mash up na “Bongga Ka Day/Annie Batungbakal” mula sa isang acapella group whose name escapes as I make sulat this pitak pero mahusay sila.

Ang pina­kamahuhusay na nag-perform ay sina Aicelle Santos at Bituin Escalante na mala-Dorina Pineda meets Lavinia Arguelles ang performance. Inawit lang naman nila ang “Sana’y Walang Wakas” at “Bituing Walang Ning-ning.”

Ang top winners, best picture ang “Liway.” Present ang best actor, si Dingdong Dantes, para sa “Sid & Aya.”

Inalay ni Dantes ang kanyang panalo sa kanyang pamilya at may panghihinayang siya sa katotohanang hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho ang dakilang alamat, si Eddie Garcia.

No show ang best actress winner, Kathryn Bernardo para sa “The Hows of Us.” Dumagundong sa hiyawan ang mga panatiko ni Bernardo matapos marinig ang pangalan nito. May mall shows si Kathryn para sa “Hello, Love, Goodbye.” Ang katawang lupa nito, hindi na kinaya pang dumalo sa awards night.

Ang panalong ito ni Bernardo, will definitely add more curiosity sa kanyang pagganap sa pelikulang pinagta-tambalan nila ni Alden Richards. Premium push ito, huh!

As expected, kahit pa tig-pipito ang mga nominado sa major acting categories, parang karamihan sa kanila, ayaw nilang mag-effort, make pa-hair and makeup at mag-barong Filipino o terno, no show sila sa awards night.

Ni anino o hininga nina Carlo Aquino (“Exes Baggage”), Christian Bables (“Signal Rock”), Daniel Padilla (“The Hows of Us”), at Paolo Contis (“Through Night & Day”).

Si Piolo Pascual na nominado rin bilang best actor, dumalo na parang tight-fitting camisa de chino ang suot, nandoon para sa Rising Producer award na kanyang nakuha bilang isa sa mga namumuno sa Spring Films. Alam niyang hindi siya mananalo kaya hindi nag-effort at all.

Lahat ng mga nominado para sa best actress, hindi nag-abala sina Angelica Panganiban (“Exes Baggage”), Glaiza de Castro (“Liway”), Gloria Romero (“Rainbow’s Sunset”), Judy Ann Santos (“Ang Dalawang Mrs. Reyes”), Nadine Lustre (“Never Not Love You”) at Sarah Geronimo (“Miss Granny”).

Ang best supporting actor winner, si Arjo Atayde (“BuyBust”) at best supporting actress, Max Collins (“Citizen Jake”), wala ring panahon na makisaya sa awards night.

Ang nakakapagtaka at nakakahibang, Linggo na nga ang gabi ng parangal, wala pa rin sila? Ang mga artistang hindi nagsidalo, wala ba silang appreciation at respeto sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na humirang at may paghanga sa angking galing nila bilang mga artista?

Maliban kay Kathryn na may mainam na paliwanag, ano naman kaya ang pa-eklay at palusot nu’ng iba?

Sabbath day at pa-hinga nila? Juice colored! ‘Pag itong best supporting winner na Atayde nalaman kong kasama si Maine Mendoza last Sunday at ito ang dahilan kaya ‘di siya dumalo sa EDDYS, tiyak makukurot si Arjo sa kanyang pinkish utong o kaya si Mendoza, ay mabubuhukan. Charot!
Eh si Collins? Lahat nagsasabing magaling siya at malaki ang posibilidad na maging next important female star at actress, may drama na agad, may pribilehiyong magsuplada kaya hindi dumalo? Sina­yang ang magandang pagkakataon at pangyayari.

Gazini ‘minarder’ si Arjo

Ilang EDDYS sidelights: Parang malalaki naman ang font ng pangalan sa winner’s envelope, nakakalokang ang Ms. Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, how come she murdered the pronunciation of Arjo Atayde’s name, na ang basa niya ay “Arja Atayada.” Naku ha, parang masamang pangitain iyan.

Si Eric Quizon, who was visibly emotional sa pagtanggap sa posthumous award para sa Comedy King Dolphy, may attribution sa silver lining emote ni Catriona Gray. Sa lapida ng kanyang ama, he saw the beauty in the many lines na nakasulat dito, mula sa mga nagmamahal sa kanyang ama.

Ang guwapo-guwapo ni Jeric Gonzales. He is, without a doubt, pang-leading man na pang-leading man na talaga. Pati rin si Juancho Trivino, na tumayong red carpet host. He delivered his English spiels well. Alam mong private school educated, huh!