Abante Tonite Interactive

Maxene ayaw pakabog sa yummy mister

214

Habang tumatagal lalong gumaganda ang figure ni Maxene Magalona.

Kumpara noong bago siya mag-asawa, mas well-defined ang kanyang katawan.

 

Marahil malaking impluwensya sa kanya ang asawang si Rob Mananquil na hindi lang musician, model, kundi certified hunk.

 

Isa siguro ito sa malaking motivation ni Maxene na magpaganda ng katawan para hindi mapag-iwanan sa pagiging hot ng kanyang mister.

 

Pero in fairness, kung karera rin lang sa kurbahan ng katawan wala nang kakabog kay Maxene.

 

Maituturing na “living Barbie Doll” ang kaseksihan ng anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.
Si Maxene ang tipo ng aktres na masarap pagmasdan kapag nakabikini dahil makikita ang well-defined body frame nito.

 

Ang iba kasi maganda ang tayo ng boobs pero malapad ang balakang. May iba namang makitid ang waistline pero malalaki ang mga pata.

 

Kainggit-inggit sa paningin ng kababaihan ang sexiness ng aktres. Ang angas ng kanyang sex appeal na puwedeng magpakalma sa mga nag-amok na kalalakihan. May hatid ding pang-akit ang kanyang hotness.