Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maxene inaming tomador

0 317

NI: ARCHIE LIAO

Nakapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang online show na “Toni Talks” si Maxene Magalona.

Sa nasabing show, inamin ni Maxene ang kanyang healing journey mula sa pagkakaroon ng complex post traumatic stress disorder, isang uri ng mental condition kung saan ang isang pasyente ay hirap maka-move on sa mga malulungkot o traumatic experiences sa kanyang buhay.

Aminado kasi siyang malaking dagok sa kanya ang pagkamatay sa kanser ng kanyang amang si Francis Magalona noong bata pa siya.

Sobra raw kasi siyang close at naging emotionally dependent sa kanyang dad.

Matagal na panahon din daw siyang in denial noon kaya naman para makalimot sa mga pinagdadaanan, napagbalingan daw niya ang pakikipagbarkada.

Dumating daw siya sa puntong naging tomador siya dahil ang inaatupag niya noon ay ang pagwawalwal sa parties para takasan ang kanyang mga problema.

Malaki raw ang naging impact nito sa kanyang behaviour dahil nakaapekto raw ito hindi lang sa kanyang well being kundi sa pagiging productive niya.

May mga pagkakataon nga raw noon na she had to skip her work and showbiz commitments dahil di na prayoridad ang kanyang trabaho bunga ng paglalasing niya.

Inamin din niya na naging alcoholic siya for several years.

SM food to go Banner Ad

Na-realize na lang daw niya na kailangan niya ng tulong noong panahong pinatawag siya ng pulis sa Boracay para ipaalam sa kanya na natagpuan ang bag niyang nawawala na hindi niya namalayang missing na pala dahil sa kawawalwal niya ng gabing lumipas.

Nagpatuloy daw ang kanyang destructive behaviour hanggang sa siyaý mag-asawa.

May mga pagkakataon nga raw na halos nagiging bayolente siya at may times naman na sa pagwawala niya ay sinusuntok niya ang pader at sinisipa ang pinto dahil sa displaced anger.

Pati raw ang mister niyang si Robby Mananquil ay naging biktima ng pang-aabuso niya, verbally, mentally and psychologically.

Ito rin daw ang nag-encourage sa kanya to seek professional help.

Parte raw ng healing process niya ang naging stay niya sa Bali, Indonesia sa loob ng isang taon.

Sa pamamagitan ng yoga, self-help books at meditation, nag-improve raw ang kanyang sitwasyon.

Malaking bahagi rin daw dito ang regular therapy sessions niya sa kanyang psychiatrist.

Sa tulong din daw ng panalangin at tiwala sa Diyos, naharap niya ang kanyang inner demons na matagal ding umalipin sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.