Abante Tonite Interactive

Maxine kagigil ang wetpaks

0 714

Iba ang dating ng beauty queen-turned actress na si Maxine Medina sa kanyang latest Instagram post. Dito kasi’y ibinalandra niya ang katakam-takam at nakagigigil niyang puwet!

Walang takot kung magpasilip ng kanyang alindog si Maxine, dahil may-K naman siyang gawin ito sa suot niyang sexy two piece swimwear.

Ang magandang aktres ay kakasa sa kabugan kung paseksihan lang ang pag-uusapan. Idagdag pa ang kanyang matinding sex appeal, tiyak na tulo-laway ang maraming barakong makakabista sa kanyang aura.

Maangas ang tindig at porma ng dalaga, lalo sa kanyang sexy attire. Walang dudang scene stealer si Maxine kahit patalikod pa ang patikim niya sa mga red blooded boys.

Sa mga weakness ang matatambok na wetpaks, ang IG post na ito ng aktres ay tatak nang matagal sa kanilang isipan.

Tiyak na isa si Maxine sa laman ng pantasya ng maraming kalalakihan. Ito’y dahil sa taglay niyang mapanuksong porma at nakagigigil na hubog ng katawan.

Sinong kalahi ni Adan ang makapagtitimpi na hindi mag-init ang katawan kung katulad ng kariktan ni Maxine ang kanilang makikita? (Nonie Nicasio)