Abante Tonite Interactive

Maxine kinain ang salita sa LGBT

496

Naba-bash ngayon ang dating Bb. Pilipinas Universe 2016 na si Maxine Medina dahil join siya sa kampanya ng Mega Magazine na nag-tsatsampiyon ng pagkapantay-pantay ng lahat ng kasarian.

Matatandaan kasing sinabi niya noon sa isang panayam na hindi siya pabor na sumali ang mga transgender tulad ni Angela Ponce sa Miss Universe pageant. Hirit pa niya, may mga pageant daw naman talagang nakalaan para sa mga transvestites kung saan puwede silang mamayagpag.

Ngayon, binabawi na niya ang nasabing pahayag at humihingi siya ng apology sa mga naging komento niya noon.

Sey niya, misinformed daw siya at lacking in empathy and understanding noong mga panahong iyon. Pero ngayon daw ay mas bukas na at malawak ang kanyang pag-iisip at pananaw dahil kung tutuusin, lab daw naman niyang talaga ang mga miyembro ng LGBT community. (Archie Liao)