Abante Tonite Interactive

Maxine-Marx walang third party ang hiwalayan

By
5,367

Open pa rin sa love si Maxine Medina, kailangan lang daw niyang mag-focus sa buhay at career niya ngayong tumatanda na siya at alam na niya ang dapat gawin.

Hiwalay na ang 28-anyos na beauty queen sa kanyang boyfriend of 7 years na si Marx Topacio, na balitang may plano na sana siyang pakasalan next year.

“Well, within one year kasi, ang daming nagbabago and siguro kailangan muna namin ng space to love ourselves first para ma-appreciate namin ang isa’t isa,” sey ni Maxine nang matsika namin kahapon sa presscon ng PPP 2018 entry na ‘Pinay Beauty’.

Posible pa kayang mabuo ulit ang relasyon nila ni Marx?

“Bakit naman hindi? Let’s see, let’s see,” nakangiting sey ng morenang dalaga.

Ani Maxine, okey sila ni Marx at friends naman sila. May konting communication, pero busy sila pareho at maraming ginagawa.

As of now ay single muna siya at ang focus niya ay ang showbiz career niya kung saan siya nag-e-enjoy ngayon.

Nu’ng open forum sa presscon ay nabanggit ni Maxine na tila na-outgrow nila ni Marx ang isa’t isa.

Nang diretso namin siyang tanungin kung anong dahilan ng breakup nila ay, “Hindi ko po alam,” ang sagot ni Maxine.

Parang wala rin siyang alam doon sa pina­planong kasal ni Marx next year. Basta marami raw nangyari, pero nilinaw niyang walang third party sa hiwalayan nila ng hunky character actor.

Samantala, ang stand ng Bb. Pilipinas-Universe 2016 na si Maxine tungkol sa transwoman candidate sa Miss U ay katulad din ng kay Winwyn Marquez.

Para sa kanya, sana ay natural-born female lang ang sumasali sa Miss U. Marami naman daw ka­sing ibang pageant para sa trans. At para fair din sa kababaihan.

Nang sabihin namin sa kanyang in-allow na ng Miss Universe Organization ang pagsali ng mga transwomen candidate, ang sagot ni Maxine ay, “Talaga? That’s good. I don’t have anything to say na, kasi ‘yung president na (ng Miss U) ang nagsabi. So, it’s with them.”

Naka-smile na dagdag niya, “Let’s just be equal. Let’s just move on. Be happy and give more love!”

Naka-relate si Ma­xine sa istorya ng ‘Pinay Beauty’ dahil bukod sa obvious na very Pinay ang beauty niya, gusto niyang iparating sa mga Pilipina na gustong pumuti na hindi problema ang kulay na morena at may sariling ganda ang mga Pinay.

Sa August 15 ang showing nationwide ng ‘Pinay Beauty’ starring EA Guzman and Chai Fonacier.
***

Meg nakipagsagutan sa mga pabida

Talagang naki­pagsagutan si Meg Imperial sa mga netizen na tinutuligsa ang pelikula nilang ‘Jacqueline Comes Home (The Chiong Story)’ na tungkol sa kontrobersyal na rape-murder case ng Chiong sisters ng Cebu na naganap nu’ng July 16, 1997.

Ang sigaw kasi ng ilang netizens, dapat boykotin ang pelikula dahil maling kuwento ang ipinapakita rito.

Pagtatanggol ni Meg sa Viva movie na directorial debut ni Ysabelle Peach Caparas (anak ni Direk Carlo J. Caparas at nasirang producer na si Donna Villa), nag-research ang production team nila at ang core ng pelikula ay ang pinagdaanan ng pamilya Chiong pagkatapos ng malagim na insidente 21 years ago.

“We did not make any statement regarding who’s responsible for the disappea­rance of Chiong sisters. It’s not the focus of the film,” tweet ni Meg, na gumaganap bilang si Jacqueline Chiong, na hanggang ngayon ay never natagpuan ang bangkay.

Gaya ng sinabi ni Meg nu’ng presscon, base ito sa tunay na pangyayari, pero hindi nila tinuro ang kahit na sino na may kasalanan kaya hindi raw biased ang pelikula nila.

May nagsabi pa sa kanyang panoorin ang documentary na ‘Give Up Tomorrow’ (2011) na tungkol sa isa sa mga akusado na si Paco Larrañaga (na inilipat sa isang kulungan sa Spain at pinaniniwalaang inosente sa krimen).
Ang sagot dito ni Meg ay napanood niya ang nasabing docu pero, “Who are we to judge? We’re just reacting based on news.”

Napagod mag-explain si Meg sa closed-minded people. Aniya, may mga tao talagang bida-bida na hindi nakikinig at ikaw pa ang sasabihan na biased.

Sabi niya sa kanyang IG Story, “Be careful in poin­ting fingers. We didn’t kill anyone… Guilty man or not ang family, ‘di maaalis ang fact na nawalan sila. Buhay man o hindi ang mga anak nila, na-rape pa rin sila.”
Tweet niya pa, “Huwag magsalita na hindi pa napapanood ang film. Mapapahiya lang po kayo.”

Ngayon ang showing nationwide ng ‘Jacqueline Comes Home’ na bida rin si Donnalyn Bartolome bilang younger Chiong sister na si Marijoy.