Abante Tonite Interactive

Maxine pantanggal umay sa halalan

668

Walang puwedeng umawat kay Maxine Medina sa paglalantad niya ng kanyang alindog sa social media.

Tila hindi nauubusan ang beauty queen ng kanyang pasilip ng kanyang kaseksihan sa social media.

Sunod-sunod ang posting ni Maxine ng bikini shots niya sa anumang anggulo – mapa-tayo, mapa-higa, mapa-tagilid, mapa-talikod, mapa-upo, mapa-luhod.

Kahit ang pagkakuha ng larawan sa kanya ay iba-iba rin: may top shot, long shot, close up, bottom shot.

Pero walang pagbabago, talagang umuusok naman sa alindog ang dating pambato ng Miss Universe ilang taon na ang nakakaraan.

Hindi puwedeng lumagpas ang isang linggo nang hindi nagpo-post ng kanyang bikini photo ang isa sa babes ng “Los Bastardos” sa Kapamilya network.

Actually, marami ang nagbi-benefit sa pagpapakita ni Maxine ng kanyang katawan partikular sa mga netizen.

Halos lahat ng mga kalalakihang nakakatunghay ng kanyang larawan, nagkakaroon ng buhay ang kanilang mundo o araw.

Sa ganitong stress at bangayan ng kakatapos na Halalan 2019, napapawi ang buwisit sa mga barako at napapalitan ito ng ngiti.

Dapat ngang purihin ang mga gaya ni Maxine na naglalantad ng kaseksihan sa socmed, dahil sila ang mga “Pampagaan ng Halalan.” (Rey Pumaloy)