Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May 24 special election kinakasa sa Lanao de Sur

0 24

Plano ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng espesyal na halalan sa Tubaran, Lanao del Sur sa Mayo 24, dalawang linggo matapos iulat ang failure of elections sa naturang lugar.

Ayon kay Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco, hindi bababa sa 12 barangay sa Tubaran ang nag-ulat ng karahasan, pagbabanta, at pananakot na may kaugnayan sa eleksiyon.

Kabilang aniya sa mga barangay ang Tangcal, Datumanong, Guiarong, Baguiangun, Wago, Malaganding, Gadongan, Riantaran, Pagalamatan, Mindamunag, Paigoday-pimbataan, at Metadicop.

Dagdag pa ni Laudiangco, titingnan din ng Comelec kung makakaapekto ang espesyal na halalan sa Tubaran sa canvassing ng Certificate of Canvass (COC) para sa mga senatorial at party-list elections.

“Sa ngayon, hindi pa kami makapagpahayag, but we are optimistic na ito naman sa Tubaran ay hindi makakaapekto given na malinaw naman ‘yong resulta ng transparency websites. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.