Abante Tonite Interactive

May-ari ng bahay lang ang maaaring magpalayas

508

Dear Attorney Claire,

Nais ko po sanang humingi ng payo tungkol sa pagpapaalis sa amin ng homeowners association sa aming tinitirhan.

Ganito po kasi `yon. Ang nasabing bahay ay ipinagkatiwala lamang sa tiyuhin ng asawa ko ng kanyang kabarong pulis. Sa ngayon po kasi ay hindi kami makahingi ng letter sa tunay na may-ari ng nasabing bahay dahil sa wala kaming contact sa may-ari.

Kami po ay pinatira ng tiyuhin ng asawa ko upang maalagaan na rin ang nasabing bahay.

Salamat po,

Abraham

Mr. Abraham,

Ang homeowners association (HOA) ay walang karapatan na kayo ay paalisin sa inyong tinutuluyan kung kayo naman ay may pahintulot na patirahin diyan at kung ang tunay na may-ari ay wala namang tutol sa inyong pananatili riyan.

Ang HOA ay walang masasabing interes sa bahay at lupa kaya’t wala rin silang anumang ligal na interes na kayo ay paalisin.

Kung sakali naman na ang may-ari ay hindi nakakapagbayad ng kanyang monthly dues at ibang obligasyon bilang homeowner ay magkakaroon siya ng utang sa HOA at masasabi na delinquent siya. Kapag naging delinquent o may utang ay maaari ipasubasta ang inyong tinirhan upang maibayad sa kanyang “dues” o utang.

Ngunit tandaan na ang prosesong ito ay dapat na nasa kanilang By- Laws o kaya naman ay mayroong Board Resolution patungkol dito. Hanggat walang ganitong prosesong nagagawa ay hindi pa naman napapasubasta ang bahay at lupa pabor sa HOA at mananatiling wala itong interes upang kayo ay paalisin sa tinitirhan ninyo.

Hindi rin nila kayo mapapaalis kung walang ejectment case na isasampa at

madedesisyonan ng korte.

***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8410-7624/8922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

Tonite – Wendys Inhouse Ad