Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May-ari ng bahay natuhog dibdib sa gate

0 103

Patay ang isang lalaki matapos na itong matuhog ng matulis na bakal sa gate ng kanyang bahay sa Sta. Rosa City, Laguna.

Sabado ng gabi nang madiskubre ng kanyang kapitbahay ang bangkay ng biktimang si Daniel Lopez na nakasabit sa gate ng kanyang bahay sa Roseville Subdivision, Barangay Dita.

Nakatuhog sa dibdib nito ang matulis na grill na bakal.

Wala namang nakakita kung paano natuhog ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ng mga awtoridad kung may foul play sa pangyayari. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.