Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May-ari ng iskul natagpuang bangkay sa bodega

0 398

BANGKAY at nilalangaw na nang matagpuan ang isang senior citizen na school owner sa loob ng bodega ng isang eskuwelahan sa Mangatarem, Pangasinan, Lunes ng hapon.

Kinilala ng Mangatarem Police Station (MPS) ang biktima na si Virgilio Valmonte, 72, may-ari ng Mystical Rose College of Science and Technology (MRCST), ng Barangay Pogonlombog, ng nasabing bayan.

Ayon sa MPS, nakita ang katawan ni Valmonte alas-4:25 ng hapon sa loob ng bodega ng MRCST.

Related Posts

Sa pagsisiyasat ng MPS Scene of the Crime Operatives (SOCO), wala silang nakitang foul play sa nangyaring insidente.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng lokal na pulis. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.