Abante Tonite Interactive

May asawa ang pinakasalan

422

Dear Atty. Claire,
Nagpakasal po ako sa babaeng hindi ko alam na may asawa siya bago pa naging kami.

Nagkakilala kami noong 2000 at nagkaroon na relasyon hangang mabuntis ko po siya, bilang isang lalaki ay may pananagutan ako sa a­ming magiging anak kaya pinakasalan ko siya.

Nagtapat siya noong malapit na kaming ikasal, itinuloy na lang namin ang pagpapakasal para mabigyan ng pangalan ang aming anak. Ngunit hindi rin kami magkasundo dahil sa panlalalaki niya. Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng asawa niya
Ang tanong ko po ay ligal po ba ang aming pagpapakasal at puwede ba na mapa-annul ko ito?
Lubos na gumagalang,
Enrico

Dear Enrico,
Ang pagpapakasal muli kahit na may isa pang existing na kasal ay ang tinatawag na­ting bigamous marriage. Ang bigamous marriage ay ang pa­ngalawang kasal na maituturing na ligal o valid sana kung walang naunang kasal.
Ayon sa ating Fami­ly Code na isa sa mga maitutuing na marraige void ad initio o walang bisa sa simula ay ang bigamous marriage. At dahil sa nagpakasal kayo nang hindi napapawalang-bisa ang una niyang kasal ay hindi valid ang inyong kasal at maaari mo itong ipawalang-bisa.

Sa kuwento mo ay may magiging dalawan­g dahilan ka upang ipawalang-bisa ang kasal mo. Una ay ang pagiging bigamous marriage niya at ang pangalawa ay ang pagiging psychologically incapacitated niya na sakop ng Article 36 ng Family Code. Ang pakikiapid niya sa ibang lalaki na lumalabas na paulit-ulit ay masasabing isang psychological disorder. Maaaring kumusulta sa isang psychologist upang mabatid ang disorder na ito.

Gayun pa ma’y ang pagiging bigamous marriage ang inyong kasal ay sapat na upang mapawalang-bisa ito.
Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa (02) 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com