Abante Tonite Interactive

May bagong nagpapakilig kay Angelica

485

Alwin Ignacio

Less talk, lesser mistakes. Mukhang iyan ang mantra na pinanghahawakan ni Tabachingching Princess at mahusay na aktres Angelica Panganiban.

Ang mga mang-uurat, katkatera at ang mga sangrekwang pakialamera na nagkukunwaring may tunay na malasakit kay Panganiban, best in sopla.

Bakit kaniyo? Aba, ‘yung mga may dramang gusto lamang kalamayin ang loob nito, walang kahit na anong kuda o hanash, mas lalong walang sound bite na binibitiwan ang Hugot Queen patungkol sa alam naman nating nagda-drama lang na si Carlo Aquino na nagsusumamo sa mga netizen na please, baby, please, tigil putakan at hintong talakan na ang kanilang bigay, sa ka-close nitong si Trina Candaza.

Para kay Angelica, hindi na nag-i-exist si Aquino sa kanyang pangkasalukuyan, wala siyang malay at pakialam pa sa aktor, at ayaw niya ring isi­pin ang malapit o matagal na hinaharap kung maaa­yos pa nila ang kanilang “friendship.”

Basta para sa kanya, kung hindi lamang tuldok, maaaring tandang pandamdam na ang kanyang inilagay sa kung ano man ang naunsyami sa kanila ni Carlo.
Sa isang panayam, inamin ni Angelica na maling akala ‘yung iniisip na ang “I miss you” post niya sa kanyang social media account ay para sa man na forever vertically challenged. May bagong nagpapakilig kay Panganiban pero ayaw na niya muna itong panga­lanan at mas lalong hindi siya nagmamadali na magka-kasintahan.

Ang kanyang paliwanag: “Matagal na naman akong nakikipag-date, wala lang tumatagal. Bakit, trial and error ‘yun, e? Nag-e-entertain naman ako, matagal na. Boyfriend? Parang hindi na ako interesado, hindi na kasi siya ang priority ng life ko. Parang natapos na rin ‘yung panahon na paggi­sing mo, ang nasa isip mo, lala­ki agad. Wala, hindi ko na hinahanap, hindi ko na kailangan. Someday, but not soon. Ayoko talaga.”

Nasa the greatest love of all phase siya ngayon. Ini-enjoy niya muna ang power of self love kasi nabibigyan niya ang kanyang sarili na malamang talaga kung ano ang gusto at magpapaligaya sa kanya.

Musical show
nakakaumay

Ang diva that you love, pinanood ang “Beautiful: The Carole King Musical” preview mula sa Atlantis Theatrical Entertainment na ginanap sa Meralco Theater.

Dahil nga imported musical ito at talaga namang popular ang mga kanta ni Ms. King, puno ang cavernous venue. Siyempre pa, wala namang puwedeng baguhin at galawin sa musical, as is, where is dapat ang pagtatanghal kaya in true cut and paste fashion of musicals from Broadway and West End, may mastery na talaga ang grupo ni Bobby Garcia sa mga produksyong banyaga.
Walang duda, entertaining ang “Beautiful.” Waging-wagi ang flashback at throwback production numbers, literal na trip down memory lane. Ang daming songs from the 60s and 70s na mataas ang audience recall.

Again, again, maaa­ring ako lang na naman ito, dahil nga sangrekwa ang mga sayawan at kantahan, halos walang pahinga ang mga mala-pang-GMA Super Show na extravaganza, after awhile, una, naumay ako. Pangalawa, pagod na ako at sa pagod, may mga eksenang ang diva that you love, closed na ang beautiful eyes at nag-feeling na listening to a radio na lamang ang eme ko.

For all its production values, parang may kulang talaga – ‘yung haplos sa puso. Siguro kasi, mga Filipino actors pretending and sounding like Americans kaya parang may disconnect.

Sa true lang, I did not feel the earth move under my feet.

Kung may magandang take home ang musical, ito ay ang katotohanang, the 60s and 70s, were the good old days, were song writers and music that comes from the heart that touches the heart of the listeners reigned supreme then, up to now.