Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May bahid ang brief

0 862

May mga seamen na nagpapadala ng litrato ng kanilang brief na may bahid ng dugo o kulay dilaw. Nag-aalala sila na nagkakaroon daw ng ibang kulay ang kanilang semilya. Hindi naman sila makapagpatingin sa doktor dahil kahit sa ibang bansa, napakahirap mag-face to face consultation.

Tinanong ko si Dr. Marlon Martinez, isang urologist na dalubhasa sa infertility kung ano ang ibig sabihin ng ipinakita sa aking lawaran ng ilang mga kalalakihang sumasakay sa barko.

Ang malusog na semilya, ayon kay Dr. Martinez, ay klaro o puti o whitish gray ang kulay.

Maaaring normal lang ang dilaw na kulay sa semilya, pero puwede ring sanhi ito ng ilang sakit.

May mga lalaking sumasama ang semilya sa kanilang ihi kaya naiiwan ang bahid na dilaw sa kanilang brief. Urine retention ang tawag dito o naiiwan sa urethra ang kanilang ihi. Dito rin kasi dumadaan ang semilya ng lalaki. “Yung labasan ng semilya at labasan ng ihi, mayroon pong point doon sa may prostate na doon sila parehong lumalabas.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang pagkaiwan ng ihi ay maaaring bunga ng urinary tract infection, paglaki ng prostate at iba pang kondisyon.

Maaari ring manilaw ang semilya ng mga may problema sa atay at gallbladder. Ang tawag naman dito ay jaundice, kung saan naninilaw rin ang balat at ang puti ng mata ng isang maysakit.

Tumataas ang lebel ng yellow-orange bile pigment na tinatawag na billirubin sa katawan bunga ng sakit na hepatitis, autoimmune disorder, pagdami ng bato sa apdo, pamamaga ng pancreas, kanser sa gallbladder o panceeas, at sobrang pag-inom ng alak.

Mayroon namang sumosobra ang taas ng white blood cells sa semilya na tinatawag na leukocytospermia kaya nagiging dilaw ang semilya. Delikado ito sa semilya dahil maaaring humina o magkaroon ito ng damage at hindi na makabuntis ang may ganitong kondisyon. Impeksyon, pamamaga sa singit o sa ari, pag-inom ng sobrang alak, paghithit ng sigarilyo o marijuana, sexual disease tulad ng herpes, chlamydia o gonorrhea at hindi madalas na pagpapalabas ng semilya ang maaaring magsanhi ng karamdamang ito.

“Maaari ring magkulay dugo ang semilya na tinatawag na hematospermia bunga ng impeksyon o tumor.”

Totoong dapat ipag-alala ang bahid sa brief. Kaya naman kailangang kumonsulta agad sa doktor, kahit online, ang mga may ganitong problema. Maaari rin naman ngayon ang face to face consultation, basta’t susunod sa karampatang health protocols.

Leave A Reply

Your email address will not be published.