Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May baon ang TNT vs SMB – Rosario

0 116

Clark Smart Giga City – Tatlong laro agad sa unang linggo ng PBA Philippine Cup restart sa Clark bubble ang TNT.

Naitawid ng Tropang Giga ang unang dalawa, masusubok ang tibay sa pangatlong salang laban sa karibal na San Miguel Beer mamaya sa Smart G5-powered AUF gym sa Angeles.

“Malaking bagay ‘yun (back-to-back wins) kasi walang pahingahan,” ani Troy Rosario. “Makakuha ng panalo, mas maganda para sa amin. At least may baon na kami.”

Walang kaso kina Rosario, Jayson Castro, Bobby Ray Parks Jr., Poy Erram at RR Pogoy ang every-other-day na laro dahil nasanay na sila sa international plays habang naglalaro sa Gilas Pilipinas.

“Still adjusting, pero at the end of the day naman, sanay na kami sa gym-hotel-gym,” giit ni Parks, tumabo ng 40 points nang itumba ang TerraFirma 112-101 noong Martes.

Sa 100-95 win sa Alaska noong Linggo, si Pogoy naman ang nagpasabog ng career-high 45 points.

Magandang makauna para hindi nagkukumahog sa dulo.

“It’s a short conference. Ang mentality namin, go and win as early as possible,” dagdag ni coach Bong Ravena. “May ipon ka na para hindi na pressured sa latter part ng eliminations. Win early on, better for us.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.