Abante Tonite Interactive

May BF: Pacquiao kinompronta ang anak

777

“Malapit na akong magalit!”

‘Yan ang bulalas ni Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao matapos na malaman na may boyfriend ang kanyang anak na si Mary Divine Grace.

Buti na lang ay prank lang ang lahat, kung saan kakutsaba pa ang asawa ni Manny na si Jinkee.

Sa YouTube vlog ni Mary, siya’y nag-prank sa Pambansang Kamao kung saan nabuko umano siya ni Jinkee na may boyfriend.

“May boyfriend ka?… Ha?… Kailan?” paulit na usisa ni Pacquiao.

Sey ni Mary na classmate umano niya ang kanyang boyfriend at last year pa naging sila.

Napaamin din ito na biruan lang pala ang lahat nang tanungin ni Manny kung anong pangalan ng kanyang BF. (Ray Mark Patriarca)