Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May cancer tinaga ulo, sarili sinaksak

0 92

Sinasabing nagpakamatay ang isang lalaki na sumasailalim sa chemotherapy dahil sa sakit na prostate cancer sa Quezon City, Linggo ng hapon.

Ang biktima ay 56-anyos na may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Pasong Putik, Novaliches.

Sa report ng CIDU-QCPD, alas-3:00 kamakalawa ng hapon naganap ang insidente sa silid ng biktima na nasa ikalawang palapag ng kanyang tahanan.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Nido Gevero, lumilitaw na na-diagnose ang biktima na may stage 4 prostate cancer may dalawang taon na ang nakalilipas at sumasailalim ngayon sa chemotherapy.

Ayon umano sa babaeng kasambahay ng biktima, umakyat umano siya at nagtungo sa silid ng lalaki upang magpatulong na mabuksan ang kanilang stove dahil magluluto na umano siya ng hapunan.

Pero pagbukas umano ng babae ng pintuan ay bumungad sa kanya ang duguang katawan ng amo na nakahiga sa kama nito.

Agad humingi ng saklolo ang kasambahay sa dalawa nilang kapitbahay at ini-report sa kanilang barangay ang insidente.

Nasamsam naman ng SOCO Team ang isang stainless butcher knife at dalawang kutsilyo na may mga bahid ng dugo sa tabi ng duguang biktima.

Base sa isinagawang cursory exa­mination, nagtamo ang biktima ng maraming taga sa ulo at saksak sa dibdib.

Masusi namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa umano’y pagpapakamatay ng biktima.

Samantala, puwedeng tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727) o telepono (7989-8727 o 1553) para sa mga Pinoy na may tanong tungkol sa mental health, kailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin o nanganganib mag-suicide. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.