Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May dapat bang ikatakot sa ‘Oplan Kalinga’

0 389

Nagkaroon ng pangamba ang ilan kaugnay nitong “Oplan Kalinga” program ng gobyerno kung saan magkakaroon ng house-to-house search para mga COVID-19 patients at ililipat sa mga quarantine facility.

Inilunsad ang program matapos ihayag ng pamahalaan na aalisin na ang home quarantine option para sa mga pasyente na walang hiwalay na room o bathroom sa kanilang mga tahanan.

Kasi nga naman, kung maliit lang din ang kanyang tirahan, imbes na gumaling ka baka mahawaan mo pa ang iyong mga kasama sa bahay. Eh di lalong lumaki ang problema. Mabuti nang ibukod ka na.

Ang ikinakatakot lang ng publiko ay ang presensiya ng pulisya sa pagsasagawa ng house-to-house search. Kesyo bakit daw kasama ang pulis sa paghananap at hindi na lang ipapaubaya sa mga health workers.

Pero paglilinaw naman ng Interior Secretary Eduardo Ano, supportive role lang ang papel ng pulis sa programang ito. Mangunguna pa rin house-to-house tracing para sa COVID-cases ang mga local health worker sa paghanap ng COVID-19 patients.

Hindi naman daw ang mga pulis ang mangangatok kundi ang mga public health authorities at mag-a-assist lang ang mga pulis sa pagdala ng mga COVID-patients sa quarantine facility.

Pero paglilinaw ng Malacanang, wala naman mangyayaring house-to-house search para sa coronavirus patients.

Anila, ang mga COVID-19 patient na susunduin sa kanilang mga tahanan ay maaring inireport ng kanilang pamilya, miyembro ng komunidad o opisyal ng mga barangay.

Wala din daw dapat ipangamba ang mga COVID-19 patient sa kanilang paglipat sa isolation facilities.

Kung ako naman sa COVID-19 patient, mas mainam na sumama na lang at huwag nang mag-alinlangan pa dahil hindi lang ito para sa iyong kabutihan kundi para din sa iyong buong pamilya.

Mabuti na rin iyong segurista ka di ba? Alam natin na mahirap mawalay sa pamilya pero sa panahong ito, hindi ka dapat maging makasarili at isipin mo ang ginagawa mo ay para sa kaligtasan ng nakakarami.

Walang problema iyong may mga kaya sa buhay, iyong mayayaman dahil may mga extra room ang mga iyan para i-quarantine ang kanilang sarili.

Pero kung maliit lang din ang iyong tahanan at walang proper facility para ma-observe ang quarantine protocol, mas mainam sila na magpalipat sa isolation facility.

Kung tutuusin para ka lang nagbakasyon sa isang hotel ng 14 araw. Naka-aircon, kumpleto ang pagkain, may libreng wi-fi at graduation ceremony pa. May mga doktor at nurse pang tututok sa’yo araw-araw.

Hindi naman kulungan iyon kundi quarantine facility. After 14 days na quanratine at negatibo naman sa virus, pwede ka nang bumalik sa iyong mahal sa buhay.

Kaya sagot sa tanong kung may dapat bang ikatakot ko sa Oplan Kalingan, sa tingin ko, wala!

Leave A Reply

Your email address will not be published.