Abante Tonite Interactive

May-December love affair ng 2 newscaster

By
933

Bulung-bulungan nga­yon sa isang network ang diumano’y relasyon ng dalawang pumoposteng taga­pagbalita.
Although parehong single sa kasalukuyan ang dalawa kaya lang nakakagulat lang dahil lumalabas na umano’y May-December love affair.
Gusto kong mag-esep-esep kayo pero hindi sasabihin ng inyong kunehong  gala kung sino ang matanda sa kanila, si lalake ba o si babae.
Pero si babae, hindi ito ang u­nang pagkakataon na nagkaroon siya ng dyowang kagaya niya at si lalake naman, during his younger days ay mukhang na-link din ito sa isang female reporter na hanggang ngayon ay umaariba pa sa pagbabalita.
Ang siste, sila ang palaging topic ngayon ng kanilang mga kasamahan at staff. Pero kapag dumarating na sila, o isa man sa kanila, siyempre change topic na ang mga hitad  na tsismoso’t tsismosa.
Until now ay matipuno pa rin si lalake, maganda magdala ng damit at  mababakas pa rin ang kagwapuhan.
Si babae naman ay halatang malinis sa katawan. Inaalagaan talaga ang kanyang beauty hanggang sa ngayon.
Si lalake ay halatang modulated ang voice at si babae naman,  kakaiba ang style sa pagbibitaw ng mga salita,
hindi nakakayamot.
Clue? Parehong dekada na rin ang inabot nila sa kanilang propesyong pinili pero  yung isa, mas matagal na talaga sa industriya.
O siya, esep-esep muna mga Tsong at Tyang, paganahin ang utak para hindi kaagad magka-Alzheimer’s, bwahahahahahaha!