Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May diperensiya sa isip tinaga kapitbahay na bata

0 71

Tinaga sa ulo ang isang batang lalaki na naging resulta ng kanyang pagkamatay sa Dumalinao, Zamboanga del Sur.

Sa report, sinasabing may diperensya sa pag-iisip ang hindi pina­ngalanang suspek na kapitbahay ng biktima.

Ayon sa pulis, nagtungo sa kuwarto ang ama ng biktima para kumuha ng pera pambili ng ulam at saka iniwan sa kusina ang 3 taong gulang na anak na kasama ang isa pa nitong kapatid.

Habang nasa kuwarto ay may narinig siyang kumalabog at pagbaba niya ay nakita niya ang anak niyang nakabulagta at duguan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isusunod na sana ng suspek ang isa pang kapatid ng biktima pero nagawa siyang maawat ng ama ng mga bata. Agad tumakas ang salarin.

Itinakbo sa ospital ang bata pero sa daan pa lamang ay binawian na siya ng buhay.

Agad namang naaresto ang suspek pero hindi rin makasuhan dahil sa kanya umanong kondis­yon. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.