Abante Tonite Interactive

May forever ba sa abroad? (Part 4)

By
234

Magandang pakinggan ang salitang abroad pero sa kabila nito, samu’t sari ang mga leksiyon na natututunan ng mga manggagawa na naninirahan sa ibang ba­yan upang magtrabaho.­

Para sa mga first timers,­ nandiyan ang culture shock, homesickness, language barrier at marami pang ibang pagsubok na kanilang hinaharap.

Narito ang pagpapatuloy ng mga lessons learned ng ating mga tagasubaybay ng programang Radyo OFW sa kanilang pamamalagi sa ibang bansa.

Sana maka­tulong ito lalo na sa ngayon pa lang nag-iisip kung ang pagiging OFW ay para sa kanila.

Question of the day: Ilang taon ka na sa abroad? Ano ang mga natutunan mo sa buhay bilang OFW?

Rhickz Yabil: Dapat ‘wag magtiwala sa kahit kanino kababayan man o iba lahi dahil may mga Fi­lipino na baguhan pa lang sa trabaho gusto na uma­ngat ang pamumuhay sa Pilipinas sa pamamaraang panloloko at sanay na sanay magnakaw. Sa huli babaligtarin ka para sila na magnanakaw sila pa panigan ng kompanya.

Hania Abdullah: Sa Jeddah ako. Kailangan mahaba pasensiya mo at pang-unawa mo. Kailangan maru­nong ka makisama sa mga kasamahan mo at magtiis na ikaw ay nasa malayo. Dahil para sa iyo at pamilya mo sa awa ni Allah mag-2 yrs ako Saudi. Nakabili ako ng bahay at nasuportahan ko mga anak ko sa ngayon­ nasa abroad din mga anak ko. Kahit anong oras baka maka-exit ako na may matitirahan ako at maliit na puhonan salamat kay Allah binigyan ako ng lakas.

Bullet Valencerina: Saudi Arabia ako nagtrabaho.­ Natutunan ka hindi ka yayaman sa pagiging OFW lang kasi sahod ka lang umaasa. Best thing to do invest and have own business para may daily income. Unlike kapag salary as OFW puro out antayin nanaman ang end of the month lang sahod.

Thelma Berdera: 2 years pa lang naman, natuto akong makibagay sa ibang lahi at kailangan mag-­ipon ka for yourself.

Iam Seaborne: Tsaka nalang humintong mag-OFW ‘pag may matatag na pondar na. Habang wala pa ‘wag muna magyabang ng for good na. Para sa akin ang mabilis na pag-unlad ay nasa abroad pa rin. Kung wala sa abroad eh bakit may mga engineer pa ring umaalis? Mas malaki sahod nila kaysa sa laborer.

Annie Bucao: 18 yrs at 2014 lang ako huminto. Maraming sakripisyo, sipag at tiyaga ang kailangan, pakumbaba at yakapin ang culture ng bansang pinagtatrabahuhan mo. Natuto mas lalo pang tumatag, at natutu­nan ko rin ang disiplina sa sarili habang nagtatrabaho ka at ‘wag makalimot sa Diyos. God is good all the time.

Sharita Aswad: Mag-4 years na ako dito sa Yanbu KSA. Natuto ako maging tigasin lalo na kung ang customer ko sumosobra na kahit papatak na luha ko kailangan magpakita ako na kaya ko at kakayanin para sa anak ko.

Fe Gubantes: 9yrs & months na po ako nag-abroad but still now I’m working here in Kuwait. Pero panga­rap ko magkaroon ng sariling bahay para makasama ko ang anak ko sa ‘Pinas.

Ruffa Sacdalan: 15 months adjustments kumbaga kailangan mo rin iayon sa mga amo mo ang ginagawa mo sa kanila at pakikisama nang todo. Pero sila pa rin minsan ang magja-judge sayo kaya ‘wag masyado magtiwala ‘yun lang po.

Valdez Sarmiento Jenalyn: Mag-2 years pa po na­tutunan ko po dito sa abroad magtiis habaan pasensiya at higit sa lahat kahit nahihirapan ka na kailangan lalong labanan lahat ng hirap lungkot at gutom hindi madali mag abroad kase dito mo matotonan lahat ng hirap sa buhay salitang abroad masarap lang pakinggan pero pag naranasan mo mag-aabot ang luha at sipon mo sa hirap, pagod at lungkot.

***

Makinig sa ‘Radyo OFW’ 8:00-10:00pm tuwing Lunes-Biyernes sa Radyo Pilipinas 738 AM, Facebook live: www.fb.com/RadyoOFW Email: radyoofw@gmail.com