Abante Tonite Interactive

May game 3!

Arocha, Ebuen hinirit ang Arellano kontra Perpetual

By
0 123

Sa bangis nina Regine Anne Arocha at MVP Nocole Ebuen, humirit ng do-or-die Game 3 ang defending champion Arellano University Lady Chiefs matapos kalusin sa Game 2 ang University of Perpetual Help System Dalta Lady Altas 23-25, 25-9, 25-18, 22-25, 15-12 kagabi sa NCAA Season 94 women’s volleyball Finals sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Muling magkikita ang Arellano U at Perpetual U sa winner-take-all sa Martes.

Tulungan sina Arocha at Ebuen upang makau­ngos sa fifth set at sagarin ang kanilang best-of-three series.
Nagbaon si Ebuen ng 18 points at 18 digs habang 12 puntos ang i­nambag ni Arocha para sa Lady Chiefs.

Samantala, hinirang na Most Valuable Pla­yer (MVP) si Ebuen, ibinigay sa kanya ang prestihi­yosong individual award bago nagsimula ang Game 2.

Nadagdagan ang individual award ni sopho­more Ebuen matapos masungkit ang Roo­kie-of-the-Year nakaraang taon.

May average na 13.6 points per game si Ebuen at isa sa pangunahing armas ng Legarda-based squad sa opensa at depensa kaya naipanalo nila sa elimination round ang unang walong laro.