Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May gulatan kaya sa Nov. 15?

0 115

Marami ang nangyaring gulatan mga tropapips sa katatapos na filing ng certificate of candidacy (COC) sa Comelec nitong nakaraang linggo. Pero ang tanong…that’s it pancit na nga ba?

Kung tutuusin kasi, parang sa November 15 pa talaga ang “huling” araw ng filing ng COC dahil ito ang huling araw na puwedeng tumanggap ng “substitute” candidate ang Comelec.

Kumbaga sa basketball, puwede pang magpalit ng “player” ang isang “koponan” sakaling ma-injured ang kakampi. Pero sa eleksyon sa May 2022, puwede ring magpalit ng “player” bilang bahagi ng strategy.

Kung matatandaan niyo mga tropapips, ganito ang nangyari kay President Mayor Digong Duterte noong tumakbo siyang pangulo sa May 2010 presidential elections. Pinalitan niya si Martin Dino na siyang unang nag-file ng kandidatura bilang presidente.

Ngunit ang magandang tanong, sino naman kaya ang magpapalit ng player?

Gaya ng kaniyang mga naunang pahayag, hindi talaga nag-file ng COC si Davao City Mayor Sara Duterte bilang presidential aspirant. Sa halip, COC para maging alkalde uli ng lungsod ang inihain niya.

Ang tanong ng iba nating ayudanatics na kurimaw, si Mayor Sara kaya ang manggulat sa Nov. 15? Pero sino ang papalitan niya? Si Senador Bato dela Rosa kaya na sa huling araw ng filing ng COC eh biglang sumulpot sa Comelec at gustong sumali sa presidential race.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaya lang, isa sa mga requirement para sa substitution ay kailangang magkapartido ang magpapalitan. Miyembro ng PDP-Laban na paksyon ni Secretary Alfonso Cusi si dela Rosa, habang pinuno ng regional party na Hugpong ng Pagbabago si Mayor Sara.

Kung sakali, pumayag kaya ang Comelec na pumalit si Mayor Sara kay dela Rosa, kahit hindi siya miyembro ng PDP-Laban. O kaya naman eh biglang manumpa si Mayor Sara sa PDP-Laban?

At ang pinakamatinding posibleng mangyari ay madiskuwalipika ang PDP-Laban Cusi faction, at ang kilalanin ng Comelec na lehitimong PDP-Laban eh ang paksiyon nina Sens. Manny Pacquiao at Koko Pimentel.

Kapag nangyari ito, puwede kayang magpalit ng partido si dela Rosa sa HNP, kasama ang tropa ni Cusi? Nanalo kasing senador si dela Rosa, bilang guest candidate ng HNP.

Kung mangyari ang senaryo na maging substitute presidential bet si Mayor Sara, mabubuo ang tambalan nila ni Sen. Bong Go, na nag-file naman ng COC bilang vice presidential bet ng PDP-Laban.

Pero kung hindi na talaga bobotak si Mayor Sara sa presidential race, aba’y magiging paagaw ang 20 percent na sumusuporta sa kaniya batay sa pinakahuling Pulse Asia.

Bukod pa diyan, may mahigit 10 percent pang paagaw na suporta mula sa iba pang nakalista sa survey na napipisil na tatakbong pangulo pero hindi nag-file ng COC kabilang sina Sens. Grace Poe, Bong Go, at Congressman Alan Cayetano. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.