Abante Tonite Interactive

May hinahanap sa panaginip

312

Napanaginipan kong may hinahanap akong tao – isa sa mga trabahador namin. Sa buong pana­ginip ko ay hinahanap ko ang taong ito pero hindi ko siya natagpuan.

Ang paghahanap mo sa isang tao sa iyong panaginip ay indikasyon na sa aktuwal na buhay ay merong tila nawawala o nagkukulang sa buhay mo. Maaring ma­ging sa aktuwal na buhay ay hindi mo tukoy kung ano itong pilit mong hinahanap.

Dahil nararamdaman mong may kulang pa sa buhay mo, nanaginip ka na may tao kang hina­hanap. Hindi naman nangangahulugan na talagang konektado ang taong iyong napana­ginipan sa hinahanap mo sa buhay. Pero sabi mo nga ay isa sa mga trabahador nyo ang taong hinahanap mo sa panaginip. Kung ikokonekta natin sa aktuwal na buhay ang iyong paghahanap sa taong ito, maaari nating sabihing may kinalaman sa iyong career ang iyong panaginip.

Related Posts

Kuntento ka ba sa nangyayari ngayon sa iyong career o sa iyong trabaho? Tingin mo ba’y hindi mo nakakamit ang lahat ng pinangarap mo? Pakiramdam mo ba ay may mga benepisyong dapat mong nakukuha sa iyong kasaluku­yang trabaho pero hindi naibibigay sa iyo? Maaari ring hindi ka masyadong appreciated ng iyong mga pinagtatrabahuhan.

Puwede ring ikonek ang iyong paghahanap sa buhay-pag-ibig, kasaganaan, kaligayahan, spiritual enlightenment at maari rin namang ang hinahanap mo ay solu­syon sa isang partikular na problema. Sa madaling salita, ang “paghahanap” na ito ay maikokonek mo sa pisikal, kaisipan, emosyonal at ispiritwal.

Minsan, kailangan pang magpaalala ng ating subconscious sa pamamagitan ng ating panaginip para ma-realize natin na may kailangan tayong gawin sa totoong buhay upang ganap tayong maging masaya. Pag-aralang mabuti kung ano ang kinakaharap mong sitwasyon at sa pamamagitan nito ay puwede mong matukoy kung ano ang koneksyon ng iyong napanaginipan sa iyong aktuwal na buhay. Kung matukoy kung ano itong “hinahanap” mo ay maaari ka nang ma­kagawa ng mga hakbang para makamit ito.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcat­cher@gmail.com.