Abante Tonite Interactive

May hugot sa GF, binata nag-suicide

424

Tinapos ng isang 22-anyos na lalaki ang buhay makaraang makaranas ng matinding depresyon bunga ng dinaranas na problema sa minamahal kamakalawa sa Malabon City.

Ayon kay Estela, 68-anyos, lola ng biktima, huli na nang makita niya ang apo na naka­bitin sa isang pull up bar at may nakapulupot na sinturon sa leeg nito ganap na alas-4:30 Lunes nang hapon.

Itinakbo man ng matanda ang apo sa Ospital ng Malabon ay idineklara na rin itong dead on arrival.

Sa pagsisiyasat ng Malabon Police, nang suriin ang cellphone ng biktima ay nabunyag na ang pinakamalapit na dahilan ng pagpapakamatay nito ay ang suliranin at pinagdadaanang problema sa kanyang girlfriend.

Lumagda naman sa isang waiver ang kapatid ng biktima, na hindi na magpapaim­bestiga dahil kumbinsido silang walang foul play sa pagkamatay ng binata. (Vick Aquino)