Abante Tonite Interactive

May kakaibang sakit: ‘Akala ko strong woman ako’- Paolo

By
5,060

Binigyan kami ng update ni Paolo Ballesteros­ tungkol sa kanyang slipped disk na finally ay pinatingin na niya sa doktor dahil hindi na niya matiis ang sakit ng kanyang likod. Sabi ni Pao doon sa thanksgiving party ng Regal Films para sa success ng My 2 Mommies, hindi naman ito grabe pero masakit pa rin.

Ang isang sister niya ay kaka-surgery lang at nilagyan ng bakal sa likod. ­Hopefully ay huwag siyang magaya rito at makuha pa sa therapy at sa gamot.

‘Pag hindi siya nag-improve ay may tatanggalin daw na maliit na nakalawit sa may buto niya sa lumbar area na natutulak ang kanyang spine.

“Tatanggalin lang ‘yung maliit na nakalawit, wala namang ipapasok na kung anuman,” ang natatawang dayalog sa amin ni Paolo.

Lahi pala nila ang may problema sa spine dahil ang father niya ay meron nito, ang tita niya, ang kapatid niyang nasa Amerika at ito ngang sister niya na kakao­pera lang a few days ago.

Nagsimula lang makaramdam ng kakaibang sakit si Pao nang magbuhat siya ng carpet. Akala niya raw kasi ay strong woman siya.

Mga two months na ay masakit pa rin ito. Akala niya ay pilay lang, ‘yun pala ay herniated disk na.

Samantala, itinanggi ni Paolo ang tsikang ­pinagbabawalan siya ng Eat Bulaga na aminin ang tungkol sa kanyang lovelife.

Nang hiritan namin siya kung kailan ang 3rd monthsary nila (ni Sebastian Castro na balitang dyowa niya ngayon), ang natatawang sagot sa amin ni Pao ay, “Check n’yo na lang ‘yung IG! Charot!!”
Mas gusto niyang tahimik muna ang kanyang lovelife para huwag daw maudlot.

Masaya ngayon si Pao ­dahil nag-hit ang My 2 Mommies at ang daming natuwa sa pelikula, na tinanggap ng publiko kahit may temang kabadingan.

Mukhang si Eric Quizon ulit ang magdidirek ng ­susunod na movie ni Pao. May mga napag-uusapan na raw silang possible projects, pero confidential muna.