Abante Tonite Interactive

May karapatan ba ako sa ari-arian ni Mama?

1,008

Hi Atty. Claire,
Tanong ko lang po kung may karapatan po ba ako sa lahat ng ari-arian ng mama ko at may karapatan din po ba ang mga kpatid ko sa ina?

Ang tatay ko po ay isang sundalo na namatay po nu’ng baby pa lang ako. ‘Yung mama ko po ay iniwan ako sa lola ko at lumaki po ako sa lola ko. ‘Yung mama ko po ay may pension dahil sa pagkamatay ng papa ko. ‘Yung mama ko po ay nagkaanak ng 2 sa ibang lalaki.

Nakabili po si mama ng ari-arian sa pera ng papa ko. May karapatan po ba ang mga kapatid ko sa naipundar ng mama ko dahil sa pera ng papa ko? Sana po help po ninyo ako mlaman ang totoo.

At Ano po mapapayo niyo skin?

Maraming salamat po.
Jennelyn

Ms. Jennelyn,
Nais ko lang itanong kung paano mo nasabi na ang perang nagamit ng iyong ina sa ari-arian niya ay pera ng iyong ama? ‘Di ba namatay siya nang maaga? Itinuturing mo ba na ‘yung pension ang ginamit niyang pambili sa mga naipundar niya? Wala bang naging trabaho ang nanay mo? O ang kanyang kinakasama ba ay hindi nakapag-contribute sa pagbili ng ari-arian na sinasabi mo.

Susunod na tanong ay kasal ba ang nanay mo sa ama ng dalawa pa niyang anak. Kung hindi kasal at ikaw lamang ang lumalabas na lehitimong anak ay mas malaki ang magiging share mo kaysa sa ilehitimong mga anak ng nanay mo… ngunit kung kasal din naman sila ay pantay-pantay kayo sa makukuha sa inyong ina.

Kung sakali nga na pera ng ama mo ang ginamit ng nanay mo pambili ng mga ari-arian ay makukuha mo lahat ang share ng tatay mo na 50% ng ari-arian at makakakuha ka rin mula sa share ng nanay mo kahati ang ibang kapatid mo sa ina.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com