Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May lagnat puwedeng bumoto sa 2022 elections

0 60

Papayagang makaboto sa halalan sa 2022 kahit may lagnat ang isang indibiduwal dahil maglalaan ang Commission on Elections (Comelec) ng isolation polling places o IPP.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) New Normal Manual na isinumite sa Kamara, kukunin ang temperatura ng mga botante bago pumasok sa voting precinct.

Sakaling malaman na may lagnat ang mga ito, didiretso na sila sa IPP kung saan sila boboto.

“Voters whose temperature reads at 37.5 degrees Celsius shall proceed to be evaluated by the Medical Personnel. If evaluated to be with fever, voter may proceed to the IPP to vote,” ayon sa manual.

May mga medical personnel naman na itatalaga ng Comelec sa IPP. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.