Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May lamok pa rin

0 449

Ang buong bansa ay nag-uumpisang magkagulo dahil sa malalagay ang National Capital Region sa Enhanced Community Quarantine o ECQ. Pinipigilan ang paglabas ng mga tao sa kanilang tahanan para mapigilan ang mabilis na pagkalat ng Covid19, lalong lalo na ang Delta variant na napakabilis makahawa. Lahat ng nilalagnat ay pinagiisipang mayroon nito kaya lahat ay ginagawan ng RT PCR swab test para makumpirma ang Covid19. Ito ang ginawa sa pamangkin ng ating reader, na tanong nya kung bakit nag swab pa din, ganunpaman na hindi pala Covid ang nakuha kundi Dengue Fever. Anya, bakit kinakailangan pa ng swab, at kailangan pa din maadmit ang alaga nya, eh iba naman ang sakit?

Dahil sa lagnat pa din ang isa sa mga pangunahing sintomas ng Covid19, kinakailangang isagawa ang RT PCR swab testing. Ito ay para malaman kung Covid ang sakit o kahit iba pa ang diagnosis ay malaman kung mayroon din Covid na kaakibat. Ngunit, gaya ng sinabi natin, napakadami pa rin na karamdaman kaya hindi pwedeng Covid lang ang iisipin. Ang Dengue Fever ay isa sa mga sakit na ating alalahanin dahil nagkalat pa din ito sa gitna ng pandemya. Ito ay nakukuha sa kagat ng lamok na dala ang virus.

Maliban sa lagnat ay maaaring makaramdam ng sakit sa tyan, pagkahilo at pagsusuka, panghihina, at pagdugo ng ilong o gilagid. Ang pinakamahalaga ay makunan ng dugo para sa eksaminasyon na complete blood count and platelet count. Maaring tumaas ang red blood cells, hemoglobin at hematocrit dahil sa dehydration, pagbaba ng white blood cells dahil ang pinagmulan ay virus at hindi bakterya. Binabantayan din ang mababang platelet count at tuluyang pagbaba pa nito. Ang huli ay ang kumukumpirma ng karamdaman na dengue. May makikita din na petechial hemorrhages kung gagawa ng tourniquet test sa balat. Ito ay dahil nababawasan ang pagawa ng blood clots dahil sa pagbaba ng platelets.

Pag gamot ng sintomas ang ginagawa sa may Dengue Fever. Hydration ang pinakaimportante o ang tubig sa katawan. Hindi naman agad kailangan ang magsalin ng dugo. Ang normal values ng platelet count ay mula 150,000 hanggang 450,000 per microliter. Sa sandaling bumaba ito sa 100,000 ay binabantayan na ito sa pagkuha ng dugo kada 12 o 24 oras. Kung mas bumaba pa, kahit kada 6 na oras ang testing. Maaari ng admitin sa ospital para ma sweruhan sila. At kung bumaba pa sa 20, 000 ay mangangailangan na ng pagsalin ng dugo, partikular na ang fresh frozen plama. Madalas naman kung naaagapan ay madali naman gumaling dito. Ngunit kung lumala at magkaroon ng pagdurugo, baka mangailangan ng pangangalaga sa ICU. Dengue Hemorrhagic Fever na ang tawag dito.

Related Posts

Kung mayroong Dengue Fever, maaaring uminom ng juices. Vegetable juice, tsaa gawa sa dahon ng papaya, buko juice, at mga herbal teas. Kailangan din kumain ng mataas na protina galing sa itlog, manok, isda, dairy products. Iwasan ang mga maiitim na pagkain para hindi mapagkamalang dugo pag dumumi.

Hanggang sa susunod na Huwebes! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.