Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May lason na pampaputi binabala

0 54

Nagpahayag ng pagkaalarma ang toxic watch group na EcoWaste Coalition matapos madiskubre na ang mga ibinebenta na brand ng skin whitening ay ban sa Sweden dahil sa mataas na sangkap ng Mercury.

Nabatid sa EWC, base umano ito sa nalathala sa European Union’s Rapid Alert System for Dangerous Non-Food Products (RAPEX) kaya pinaalalahanan ng grupo ang mga consumer laban sa pagbili ng Golden Pearl Beauty Cream, skin lightening cosmetic gawa sa Pakistan pero ban sa Sweden na ibinebenta naman sa Makati at Pasay.

“This latest regulatory action against the marketing of Golden Pearl Beauty Cream should convince local users to stop spending for such a poison cosmetic that can pose serious health risks to users and to members of their households,” ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EWC.

Sinabi ni Dizon na concern nila dito ay ang paggamit ng mercury-laden skin lightening cosmetics ng mga buntis, nagpapadede na nanay at mga yaya dahil delikado umano ang sobrang mercury sa mga sanggol.

Nalaman na ban sa Sweden ang Golden Pearl Beauty Cream dahil nagtataglay ito ng mercury na 16.8g/kg o 16,800 parts per million (ppm) na nangangahulugang hindi ito sumunod sa regulasyon ng Cosmetic Products.

“Mercury accumulates in the body and can damage the kidneys, brain and nervous system. Additionally, it may affect reproduction and the unborn child,” nakasaad umano sa Swedish notification.

Nabatid na ang Golden Pearl Beauty Cream ay kabilang sa pitong mercury-laced skin lightening products na na-screen ng EWC sa Mercury at hindi nakarehistro sa Food and Frugs Administration (FDA). (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.