Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May LQ: 4 gulong ng SUV ni misis binutas ni mister

0 196

INIREKLAMO ng isang ginang ang kagalit na mister matapos butasin ang gulong ng kanilang kotse sa tinitirhan nilang bahay sa Tagaytay City.

Kasong malicious mischief ang isinampa laban kay Joven Gamba, 45, negosyante, taga-Brgy Mendez, Crossing East Tagaytay City matapos ireklamo ng misis nitong si Mary Ann Gamba, 44.

Sa reklamo ni Mary Ann kay PSSgt. Joseph Ryan Bascugin, ng Tagayaty City Police Station, ika-7:00 kamakalawa ng gabi nang butasin umano ang apat na gulong ng kanyang SUV na Ford Ecosport.

Tinangka umano ng ginang na humingi ng tulong pero ikinandado siya sa isang kuwarto.

Ayon kay Bascugin, taong 2018 ay nagsampa na umano ng reklamo sa isa’t isa ang dalawa dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Dagdag pa ni Bascugin, bukod sa binutas na Ecosport, tatlo pa umanong gulong ng sasakyan ang binutasan ng suspek para hindi umano magamit ng asawa at anak. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.