Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May mananagot sa P13B expired COVID bakuna – Risa

0 56

Naghain si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang ulat tungkol sa hindi nagamit at expired nang bakuna laban sa COVID-19.

“Palaging inaanunsiyo na ang dami-dami nating bakuna, pero hindi naman sa procurement natatapos ang kuwento. Baka naman may oversupply na tayo kaya may hindi nagagamit at nasasa­yang. ‘Wag naman sanang ipangalandakan na dinaig pa nila si Asyong Aksaya. Dapat may managot dito,” pagtatapos pa niya.

Batay sa mga ulat, sa pagitan ng buwan ng Abril hanggang Hulyo, may apat hanggang 27 milyong dose ang nasayang at nagkakahalaga ito ng P5 bilyon hanggang P13 bilyon.

SM food to go Banner Ad

“Of course, may mga vaccines na alam nating hindi magagamit dahil sa iba’t ibang dahilan. May margin of error naman talaga. But in this case, goodbye agad sa halagang bilyon-bilyong piso? Mukhang magtatapon tayo ng pera at bakuna sa kabila ng mabilis nanamang pagtaas ng mga COVID-19 cases,” pahayag ni Hontiveros.

Ayon sa resolusyon, nararapat lang na i-report ng gobyerno ang tungkol sa mga nasayang na bakuna at gumawa ng solusyon para mapigilan ang pagdami ng hindi nagagamit at expired ng Covid-19 vaccines. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.