Abante Tonite Interactive

May mga nakapasok na masasamang tao sa loob ng bahay

164

Napanaginipan kong pinasok ng masasamang loob ang bahay namin at iginapos ang pamilya ko.

Sa buong panaginip, nakita ko ang sarili ko at ang pamilya ko na pinahihirapan ng mga masasamang loob.

Nagpipilit akong makagawa ng paraan para matulungan ang pamilya ko hanggang sa magising na ako.

Ang mga ganitong uri ng panaginip ay kadalasang nag-ugat sa isang pangyayari, direkta man o hindi, sa mga nagdaang araw kung saan maa­aring naging saksi ang nanaginip.

Maaari mong tanungin ang sarili mo, ano ang mga insidente sa mga nagdaang araw na posibleng naging dahilan ng iyong pagkatakot.

Kung wala namang ibang pangyayari, maaaring isang kahalintulad na balita ang narinig mo o nabasa at hindi mo man napag-ukulan ng pansin pero pumasok sa isip mo ang pangamba na posibleng mangyari rin sa inyo ang isang nakakatakot na sitwasyon.

Sa iyong subconscious ay natanim ang takot na ang isang masamang pangyayari ay puwedeng mangyari kahit kanino, kahit sa sarili mong pamamahay.

Maaaring dito nag-ugat ang iyong takot kaya naman lumabas ito sa iyong panaginip.

Related Posts

Kung wala rin na ganitong koneksyon, posible kaya na may isang tao o bagong kakilala ang meron kang nararamdamang pagdududa?

Hindi naman lahat ng bagong kakilala natin ay nakakapalagayan natin ng loob. May pagkakataon na masama agad ang kutob natin sa isang bagong kaki­lala kahit wala naman itong ginaga­wang masama.

Posible rin na may nakasalubong ka lamang na taong hindi mo nagustuhan ang pagtingin sa iyo at ito’y hindi sinasadyang naghatid ng pangamba sa subconscious mo.

Ang panaginip mo ay nagpapakita rin na hirap kang ibukas ang sarili mo sa anumang pagbabago at hindi ka agad komportable sa mga nangyayari sa iyong paligid.

Sanay ka sa isang routine at kung may banta na mabago ito ay nakakaramdam ka ng pa­ngamba. Sa ganitong kalagayan ay hindi nga malayong managinip ka na pinapasok ang bahay mo.

Ipinapakita rin ng panaginip mo na isa kang protective na indibidwal at mahalaga para sa iyo ang pamil­ya kaya nga sa panagi­nip mo ay nag-iisip ka ng paraan kung paano ililigtas ang iyong mga mahal sa buhay.

Anuman ang dahilan ng iyong pana­ginip, gamitin na lamang ito bilang paalala na rin sa iyong sarili – na anuman ay puwedeng mangyari kaya hindi masamang ma­ging maingat sa lahat ng pagkakataon.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.