Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May mga pagkukulang

0 63

HANOI – Bumaba na ang telon ng 31st Southeast Asian Games 2022 sa Hanoi Indoor Stadium sa punong lungsod na ito ng Vietnam Lunes ng gabi.

Bago pa, dineklarang pangkalahatang kampeon ang punong abalang Vietnamese sa nilikom na 205-125-116 gold-silver-bronze medal. Pinalitan sa trono ang namayagpag at 2019 host Team Pilipinas na pang-apat sa pagkakataong ito sa 52-70-105.

Dos-tres sa 11-bansa, tuwing dalawang taong paligsahan ang Thailand na may roon 92-103-136 at Indonesia na naka-91-61-81.

Maraming nagsasabing ‘overkill’ ang ginawa ng Vietnamese sa subjective sports, kaya nanawa sa mga medalya, isa si Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Tama rin si Philippine Sports Commission Commissioner at Team Philippines Chef-De-Mission Ramon Fernandez namaraming facility ang SEAG host country.

Pero marami ring mga pagkukulang ang Vietnamese sa hosting.

May naunang mga tinukoy na ang TP sa nakaraang Martes.

Dagdag pa rito ang outdated na website ng palaro, maraming nangongontratang taxi driver, mga taxi na may batengteng, language barrier, kawalang press/media room sa karamihang malalayong venue at iba pa.

Pero masasarap at medyo mura ang mga bogtsi.

Salamat pa rin Vietnam!

Leave A Reply

Your email address will not be published.