Abante Tonite Interactive

May milagro sa loob ng sasakyan

813

Isa munang pagbati.

Cris na lang ang inilagay kong pangalan. Nakatira ako dito sa Caloocan City.

Sumulat ako dahil sa kapitbahay kong si Libay. May anak na siyang isa pero naghiwalay din sila ng dyowa niya.

Ang isi-share ko lang ay ang tungkol sa ‘milagro’ nila ni Tony.

Si Tony ang bagong dri­ver ngayon ng taxi ni Libay. Ang dating live-in niya ang pumapasada noon pero nu’ng maghiwalay sila, si Tony na ang sweet lover niya ngayon.

Tuwing iginagarahe na ni Tony sa bakanteng lote ang taxi sa dis-oras ng gabi ay pumapasok din sa loob ng sasakyan si Libay. Laging mabango, bagong ligo at malasutsot ang suot.

May ilang linggo na ring ganu’n ang eksena nila. Magkayakap sa dilim.

Minsan ay natiyempuhan ko silang naghahalikan sa loob nang ‘di agad nila napatay ang ilaw. Gabi-gabi ay saksi ako at ang buwan sa lihim nilang pagkikita at pagniniig.

Gustung-gusto ko silang bosohan pero dahil medyo tinted ang sasakyan, lagi nang madilim sa loob at tinatakpan nila ang windshield ay di ko silang matiyempuhang naglalampungan.

Basta’t ang alam ko, nauuna laging lumabas si Tony na pasipol-sipol. Larawan ng isang lalaking ‘matulis’ at solb sa sex. Habang si Libay naman ay hitsurang nakaraos at laging may matatamis na ngiti sa labi.

‑ Cris ng Caloocan

***
Kung kayo ay may kapitbahay na may ­kahanga-­hanga, nakakatuwa, nakakaasar o kapana-panabik na kuwento na gusto ninyong i-share dito ay sumulat na agad o mag-email sa ‘Kapitbahay Mo, I-Blind Item Mo!’ E-mail: kapitbahay.tonite@gmail.com.