Abante Tonite Interactive

May nabuwisit din sa pagbabalik ni Kiefer

417

Masaya ang mayor-yang mga netizen sa pagbabalik ni basketball star Kiefer Isaac Ravena sa hard court.

Headline nitong Lunes si Ravena nang maispatan sa Gilas Pilipinas practice kasama ang ibang players ng national training pool.

Nito namang Martes ay nag-ensayo na rin si Ravena kasama ang kanyang PBA team na NLEX Road Warriors sa unang pagkakataon.

Super saya naman ng mga fan nang maba-litaan ang comeback ni Ravensa sa basketball.

Sa tweet ni Norman Aranas Alcancia (@iLoVeHoOps17), “Keep It Up Man, The Whole Country is behind this Program bring your A Game to the World Cup Guys We Will Pray fo Gilas Success Thanks for serving the country once more #LabanPilipinas.”

Naging emosyonal naman si Rhain Dej (@rhainshe27), “masaya ako para sayo manong, alam ng lahat matagal mong hinintay to. Naiyak ako nung na suspended ka pero bakit mas naiiyak ako ngayon basta masaya ako para sayo. Goodluck @kieferravena Laban lang.”

“Wag mo n pansinin mga ung mga bashers n mga yan.. d cla mahal ng magulang nila.. kulang lng mga yan s aruga.,” mensahe naman ni Ambot (@itsmerqsmdn)

Meron ding payo si Tim Z. Almonte III (@timza3) para kay Ra-vena, “ingat na sa mga supplements na iniinom mo bro.”

Ngunit iba naman ang banat ni Critickitik Walastic (@Critickitik,) “Puro hype sana may ibubuga talaga para sa bayan. Sa totoo lang hindi ako bilib sa batang ito. Imagine sa Ginebra napunta ito malamang bangko.”
(Janiel Abby Toralba)