Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May ‘nagwawalang’ atleta – Del Rosario

0 36

Ibinahagi ni 1988 Seoul Olympian taekwondo jin Manuel Monsour del Rosario III ang kanyang palagay sa pagkakaroon ng sekswal na aktibidad ng ilang mga atleta sa Summer Olympic Games.

Hindi na bago sa ilang manlalaro ang pakikipagniig habang na Olympic Athletes Village tuwing quadrennial sportsfest kaya bumabaha rin ng condom na pinapamahagi para sa safe sex.

Sa panayam ng ABS-CBN’s Post-Game podcast kay Del Rosario Huwebes, ipinahayag niyang karamihan sa athletes ay 3-4 months aniyang naka-reserve ang energy at may mga naniniwalang nagbabawas ng kanilang lakas ang sexual encounter, na sa iba naman myth lang

“So ‘yung mga athletes na talagang nagtimpi at nagtiis ng ilang buwan, pagkatapos ng laro nila nagkakalat talaga,” kwento pa ng sport legend. “Nagwawala talaga sila, parang nakawala sa hawla. ‘Yung mga hindi nakainom ng ilang buwan, lalo ‘pag nag-medal sila, nagwawala talaga.”

Nasa 150K condom ang pinamigay ng host Japan sa 2020 Tokyo Olympics, pero giniit sa mga atleta na huwag itong gamitin lalo pa’t may ipinapatupad na social distancing ngayong may pandemiya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.