Abante Tonite Interactive

May namatay sa panaginip

27,010

Nanaginip akong may nakaburol… isang mahal sa buhay ang namatay sa aking panaginip at nagising akong umiiyak.

Paggising ko ay malaking takot ang aking naramdaman dahil inisip kong isang pangitain ang aking napanaginip. Maari ba itong magkatotoo?

Kung napanaginip mo man na isang mahal mo ang namatay, hindi nito ibig sabihin na mangyayari rin ito sa totoong buhay.

Ang managinip na may namatay ay kadalasang metaporikal lamang at simbolo ng isang pangyayari sa buhay na naghudyat ng isang pagtatapos.

Ang kamatayan ay simbolo na isang bagay ang nagtapos at puwede itong ipakahulugan na isang natuldukang relasyon.

Isang masamang bisyong tinapos mo na o isang masamang yugto ng buhay na tuluyan mo nang nalagpasan.

Kung isang relasyon ang tinapos mo sa iyong buhay, maaaring hindi ganap ang naging closure nito.

May mga bahagi ng relasyon na gusto mo lamang ­ibaon sa limot kaysa isipin ang iniwang marka nito sa buhay mo at maaaring ito ang dahilan kaya napana­ginip mong may namatay na taong mahalaga sa iyo.

Related Posts

Kung isang masamang adiksyon ang tinapos mo, hudyat itong ganap ka nang makaka-move on at dapat na ngang tuluyang kalimutan at ilibing sa limot ang masamang pinagdaanan.

Sa mga lumang paniniwala, ang managinip nang may namatay ay hindi simbolo ng tunay na kamata­yan sa halip ay meron daw ikakasal na malapit sa iyo.

Bagama’t walang siyentipikong paliwanag sa paniniwalang ito, maraming sinaunang tao ang kumbinsido rito.

Huwag katakutan ang napanaginip, sa halip ilagay ito sa konseptong nagpaalala ito sa iyo na mahal mo ang taong iyong napanaginip kaya nga nag-iiyak ka sa kanyang pagkamatay. Magdiwang ka dahil pana­ginip lamang iyon at hindi katotohanan.

Habang buhay pa ang taong iyong napanaginip ay napakarami mo pang pagkakataon na iparamdam sa kanya na importante siya sa buhay mo.

Ngayon pa lamang, umpisahan mo nang mas lalong iparamdam ang pagmamahal mo sa taong napanaginip mo.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay.

Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.