Abante Tonite Interactive

May napipisil nang bagong AFP chief

By
291

May napipisil na umanong bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff si Pangulong Rodrigo Duterte para humalili kay outgoing Chief of Staff Gen. Carlito Galvez Jr., na nakatakdang magretiro sa Disyembre 12 ng taong ito.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na masisiguro niya na ‘in good hands’ ang AFP sa napiling bagong mamumuno sa Hukbong Sandatahan.

Si Galvez, produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Sandiwa Class 1985, ay nakatakda nang bumaba sa puwesto pagsapit nito sa gulang na 56 na siyang mandatory age retirement sa AFP.
Subalit hindi muna ibinunyag ni Lorenzana ang namumurong kahalili ni Galvez dahil ayaw niyang pangunahan ang opisyal na pahayag ng Pangulong Duterte.

Sinabi naman ni Lorenzana na isang heneral mula sa Philippine Army ang susunod na chief of staff.

Sa kasalukuyan, tatlo ang matunog na magkakalaban sa puwesto na kinabibilangan nina AFP-Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom) Commander Lt. Gen. Benjamin Madrigal, AFP-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Arnel dela Vega, at Philippine Army Chief Lt. Gen. Macairog Alberto.