Abante Tonite Interactive

May nawawalang alahas

169

Napanaginip kong hawak ko ang jewelry box. Na-realize ko raw na may nawawala akong alahas. Habang iniisip ko kung ano ang mga nawalang alahas ay bigla na akong nagising.

Ang kahulugan ng alahas sa isang panaginip ay nakadepende sa kung anong alahas ang nakita mo o nawala sa pana­ginip — singsing ba ito, kuwintas o anong klaseng alahas. Sa pangkalahatan, ang alahas ay sumisimbolo sa iyong self-worth o personal values. Puwede rin itong ikonek sa ispiritwal na kayamanan o mga personal gifts tulad ng angkin mong talent.

Ang jewelry box ay mayroon ding isinisimbolo — ito ay nagpapa­kita ng iyong itinatagong anumang bagay na may halaga sa sarili mo tulad ng pagmamahal sa isang tao na para sa iyo ay mas mahalaga pa kaysa anumang kayamanan.

Abante Hiring – IT dep

Kung nakasarado ang jewelry box, ito ay maipapakahulugan na kaila­ngan mo nang buksan at itodo ang iyong potens­yal at huwag itong panatilihing nakatago.

Ang iyong panaginip ay isa rin sa mga common dreams at madalas ay simbolo ng mga bagay na pinapahalagahan ng taong nanaginip.

Related Posts

Posible rin na ang mga alahas ay sumisimbolo sa ambisyon at pagha­hangad na makamit ang tagumpay.

Dahil sinabi mong may nawawala sa mga alahas sa iyong pana­ginip, posible namang indikasyon ito na sa aktuwal na buhay ay may kinakaharap kang mga aberya na nakakagulo sa iyong isipan. Posibleng indikasyon ito na kailangang isaayos mo na anumang gusot na nangyayari.

Kung ang nawala ay singsing — engagement o wedding ring — maaari itong ikonek sa isang nasisirang relasyon. Maaari namang nababawasan na ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili na feeling mo ay puro na lamang nega­tibo ang nangyayari o nagagawa mo kaya maging ikaw ay bumababa ang kumpiyansa sa sarili.

Kung ganito ang nangyayari sa iyong buhay, kailangan mong isaisip na tulad ng mga alahas na dapat mong ingatan, dapat mo ring patuloy na pahalagahan ang iyong sarili.

numan ang na­raranasang trial sa buhay, anuman ang nagagawang kamalian o kapalpakan, laging may puwang para baguhin ang nangyayari tungo sa iyong ikabubuti.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pana­ginip. Wala itong kina­laman sa relihiyon, kulto o anumang ispirit­wal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pa­naginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.